Do you know God, Friend? 🤔

Friend, kung tatanungin kita kung kilala mo ba ang Panginoon, ano ba ang isasagot mo? OK lang kung hindi mo ito masagot agad. Nagtanong kami tungkol dito dahil nandito tayo sa series this week on prayer, at ang isa pang mahalagang bahagi ng prayer ay ganito: isa itong paraang makilala pa si God.
Bakit namin nasabi ito? Let’s read these verses from the Bible:
Isang bagay ang hinihiling ko sa Panginoon, ito ang tanging ninanais ko:na akoʼy manirahan sa kanyang templo habang akoʼy nabubuhay,upang mamasdan ang kanyang kadakilaan,at hilingin sa kanya ang kanyang patnubay. (Salmo 27:4 ASND)
Ito ang hiling ng haring si David sa Panginoon, na makilala ang kanyang kadakilaan. Ang susunod ay hiling naman ni Moses:
Sinabi ni Moises, “Ipakita po ninyo sa akin ngayon ang makapangyarihang presensya ninyo.”
Sumagot ang Panginoon, “Ipapakita ko sa iyo ang lahat ng kabutihan ko, at ipapaalam ko sa iyo ang pangalan ko, ang Panginoon. Mahahabag ako sa gusto kong kahabagan; maaawa ako sa gusto kong kaawaan. (Exodus 33:18-19 ASND)
At itong ibang verses ay mula sa tagasulat ng Psalms:
Ipinahayag niya kay Moises ang kanyang pamamaraan,at inihayag niya sa mamamayan ng Israel ang kanyang mga gawang makapangyarihan.Ang Panginoon ay mahabagin at matulungin,hindi madaling magalit at sagana sa pagmamahal. (Salmo 103:7-8 ASND)
Nakikita mo ba, Friend? Sa lahat ng ito, nais ng Panginoon na makilala natin Siya.
Dasalin natin ito, “Lord, turuan mo akong kilalanin Ka sa panalangin. Gusto kong makita ang lahat na gusto Mong ipakita sa akin tungkol sa Iyong sarili. Turuan mo akong magdasal upang lalo kitang makilala. In Jesus’ name, amen.”
Tandaan mo, Friend, isa kang miracle!

