Do you have friends in the faith?🤜
Alam mo bang our faith doesn’t just depend on ourselves? It can actually get boosted when we connect with friends who share the same faith! May mga pagkakataon din na hindi ganoon kalakas ang pananalig naming mag-asawa kay Lord — pero buti na lang, tinutulungan namin ang isa’t isa. Salamat din sa mga kaibigan naming kasamang sumusunod kay Jesus na patuloy na nakaka-encourage sa amin sa mga sandaling nanghihina ang aming pananalig.
Nangyayari rin ito sa mga tao sa Bible. For example, David had Jonathan, who encouraged him to remain faithful to the Lord even when Jonathan’s own father, Saul, was hunting David to kill him. Si Moses naman ay kasama sina Aaron at Hur. At ang kuwento na titingnan natin ngayon in our series, “Faith or Doubt?” ay tungkol sa haring si Zerubbabel.
Sa panahong iyon, nawawalan na ng pag-asa ang hari at ang buong Israel na maitayo pa nilang muli ang bayan. Dumating ang propetang si Zacarias to encourage them with these words. Bigkasin mo ito:
‘Hindi sa pamamagitan ng lakas o kakayahan ng tao kundi sa pamamagitan ng aking Espiritu,’ sabi ng Panginoon ng mga Hukbo.
“Kahit kasinlaki pa ng bundok ang hadlang na iyong haharapin, Zerubabel, magiging patag ito. At kapag ilalatag mo ang kahuli-hulihang bato, magsisigawan ang mga tao na magsasabi, ‘Panginoon, pagpalain nʼyo nawa ito.’ (Zacarias 4:6-7 ASD)
At dahil diyan, nagkalakas-loob si Zerubbabel na gawin ang ipinapagawa ng Panginoon sa kanila. Nakikita mo ba? May mga pagkakataong ginagamit ni Lord ang ibang tao to strengthen our faith.
Ikaw ba, meron ka bang mga kaibigan ngayon na nakakatulong sa’yo sa mga panahong mahina ang faith mo? Let’s take time to thank the Lord for them. At tayo rin — maaari rin tayong maging source of encouragement. Let’s ask the Lord to show us how we can do that for one friend this week.
Tandaan mo, isa kang miracle!