curious ka ba what it really means to know God? 🤗
Studying for an exam? Di ba nakakapagod, minsan draining? Pero kailangang gawin, maglaan ng oras at lakas para masigurong mare-retain lahat ng information.
Pwede itong maging paglalarawan ng ating pakikipagkilala kay Lord, pero may malaking pagkakaiba: our relationship with God is not just about information, but about inward transformation. As we “study” to get to know Him more, nagbabago ang ating isip about Him, about ourselves, and about others. Pero hindi ito nangyayari nang biglaan. It’s a journey of learning more about who He is as He reveals it in the Bible, in His creation, and in His work in human lives.
As we continue our series this week, “Getting to Know Jesus is a Journey,” let’s read the following passage from the Bible:
Manawagan kaupang ikaʼy maging marunong,at magsumamo kaupang ikaʼy makaunawana parang naghahanap ka ng pilako anumang nakatagong kayamanan.Kung gagawin mo ito, malalaman mokung ano ang pagkatakot sa Panginoonat mauunawaan mo ang tungkol sa kanya.Sapagkat ang Panginoonang nagbibigay ng karunungan,kaalaman, at ng pang-unawa. (Kawikaan 2:3-6 ASD)
Nakikita mo ba? Inaanyayahan Niya tayong manawagan sa Kanya upang maging marunong at makaunawa, as we would yearn for hidden treasure. At ano ang mangyayari? Tutulungan Niya tayong magkaroon ng takot at pang-unawa sa Panginoon.
Ikaw ba, in what ways do you express this longing to get to know God? Pwede mo Siyang hanapin through prayer, through singing worship songs or songs from your own heart, through reading the Bible, or through spending time outdoors while appreciating His creation. But come to Him with an open heart, and we believe that He will meet you where you are.
Tandaan mo, isa kang miracle!