Crisis Part 2: Alam mo ba ang dapat gawin? 🧐
Friend, ipagpatuloy natin ngayon ang ating pinag-uusapan tungkol sa Transformation, specifically about how crisis can be instrumental in our transformation.
Parang mahirap paniwalaan ano, na may maitutulong pala ang crisis sa ating pagbabago? Kasi hindi ba, it’s our natural instinct to pray for God to take away our troubles?
Pero tingnan natin ang nakasulat sa Bible:
Alam natin na sa lahat ng bagay, gumagawa ang Dios para sa ikabubuti ng mga umiibig sa kanya, na kanyang tinawag ayon sa kanyang layunin. (Roma 8:28 ASND)
So, if we believe that God can use our crisis in our transformation, ano ba ang dapat nating gawin? Kahapon, napag-usapan natin ang first step, which is to name the crisis.
Pangalawa is to feel it. Ano ang ibig sabihin nito? Just sit in those feelings. Feel the sting or pain of your current situation.
Kadalasan, pinipili nating talikuran ang ating nararamdaman. Akala natin, mas madaling takasan ito sa pamamagitan ng pag-inom ng alak, pagkain ng mga masasarap, o pag-uubos ng oras sa videos o social media. Pero ang mas makakatulong pala ay ang pagharap sa crisis na parang nakaharap sa alon ng dagat, bigyan ito ng pagkakataong umagos lang sa iyo at tuluyang mawala na.
Kung nais mo ng tulong paano haharapin ang mahirap na karamdamang ito, we suggest you read through the Psalms. Puno ito ng mga hinanakit ng mga manunulat, at natutunan nilang dalhin ang mga damdaming ito kay Lord.
Oo, ito ang next step na pag-usapan natin bukas. Ngayon, i-practice mo lang na harapin ang damdamin at alamin mong our goal is to learn to give it to God.
Tandaan mo, Friend, isa kang miracle!