Craving guidance? Time to meet your ultimate guide.
Pet lover ka ba? Naranasan mo na bang maging super excited sa pagbili ng outfit para sa dog mo, accessories para sa cat mo, pagkain para sa hamster mo, o kahit para sa fish mo?
May isang kaibigan kami na nagkaroon ng alagang aso for 17 years. High school pa lang siya nang makuha niya ito bilang puppy. Naging kasama niya ito hanggang sa magkaroon siya ng asawa. Pero dumating ang oras na nanghina ang aso, at eventually nauwi sa kanyang pagkamatay. The sadness our friend felt was indescribable.
Bakit namin naikwento ito? Dahil isa sa mga hindi nagbabagong ugali ng Panginoon ay ang Kanyang pagiging maalagang Pastol. In the Old Testament, David described God as his Shepherd. (Mababasa natin ito sa Psalm 23.) After so many years, the prophet Jeremiah once again used the picture of a shepherd as part of his prophecy for the people of Israel—nagpapakita ito kung gaano kahalaga sa Panginoon ang paglalarawan ng shepherd as someone who takes care of, guides, and leads his sheep. Then, thousands of years later, noong dumating si Jesus, inilarawan Niya pa rin ang Panginoon bilang Good Shepherd. Kaya makikita natin na ugali ito ng Panginoon na hindi kailanman nagbabago.
If God is the same yesterday, today, and forever, and He is the never-changing Good Shepherd, how does this affect your life today? If you’re going through something at parang walang nag-aalaga sa iyo, makakatulong ba ang katotohanang si Lord ang Shepherd na laging nagbabantay at nag-aalaga sa iyo? And the even better news is, if He remains the same yesterday, today, and forever, that means nothing you do can ever turn Him away.
Pwede mong dasalin ito: ‘Lord, salamat for being the Shepherd who always takes care of me. Lead me and guide me, at tulungan mo akong lumapit sa Iyo sa lahat ng pangangailangan ko. In Jesus’ name, Amen.’
Tandaan mo, isa kang miracle!