Confirmed! Si Jesus lang ang forever-king.
Familiar ka ba sa konsepto ng royalty? Dito sa Pilipinas, wala tayong mga hari o reyna. Ang karanasan natin related to royalty usually only comes from movies and stories. Alam nating hindi forever nasa trono ang mga hari at reyna. Throughout history, we can see the turnover, usually when the king and queen get old and pass the throne to their heirs, or when they die or get killed.
Why do we bring this up? As we continue our series, “He is the same yesterday, today, and forever,” here’s some good news about God being our King: Siya pala ang kaisa-isang Hari na forever mananatili sa trono Niya.
Let’s read this passage together:
Pagkatapos, nakita ko ang parang anak ng tao na pinaliligiran ng ulap. Lumapit siya sa Diyos na Buháy Magpakailanman. Pinarangalan siya at binigyan ng kapangyarihang maghari, at naglingkod sa kanya ang lahat ng tao sa iba’t ibang bansa, lahi, at wika. Ang paghahari niya ay walang hanggan. At walang makakapagpabagsak ng kaharian niya. (Daniel 7:13-14 ASD)
Nakikita mo ba? Ang nakasulat na ito ay pangako ng Panginoon tungkol sa darating na Tagapagligtas na si Jesus. This tells us that Jesus’ kingdom is one that never ends.
Hindi ba’t naiisip natin na mas mabuti kung napapalitan ang masasamang pinuno? Pero kapag mabuti at matuwid ang isang pinuno, nais nating mas tumagal sila sa kanilang posisyon. So if Jesus is a good and wise King, it’s good news that His kingdom never ends!
Let’s pray this together, “Lord, salamat at ikaw ang haring hindi mawawalan ng kapangyarihang maghari. You are good and wise, and we want You to be our King. In Jesus’s name, amen.”
Tandaan mo, isa kang miracle!