Community: meron ka ba nito? ππ¬

Friend, let’s continue with our series on Transformation. Kahapon, tiningnan natin ang comtemplation bilang isang aspeto ng transformation. Ngayon naman, pag-usapan natin ang halaga ng community.
Sinu-sino ba ang nasa community mo? Maaaring kabilang dito ang iyong pamilya, mga katrabaho, mga kaklase. Sa iba sa atin, mas lagi nating kasama ang ating mga kaibigan o mga kasama sa church. Ang importante ay magkaroon tayo ng healthy community: ito ang mga taong, tulad natin, ay umaasang maging katulad ni Jesus, in character, thought, and actions, at tutulungan tayong mas makilala Siya.
Alam kong pwedeng maging challenging to build a community para sa iba, especially sa mga introverts. Pero ang mahalaga ay maintindihan nating ginawa tayo ni Lord na kailangan ng kasama. Let’s read this aloud:
At sikapin nating mahikayat ang isaΚΌt isa sa pagmamahalan at sa paggawa ng kabutihan. Huwag nating pababayaan ang mga pagtitipon natin gaya ng nakaugalian na ng ilan. Sa halip, palakasin natin ang loob ng bawat isa, lalo na ngayong nalalapit na ang huling araw. (Hebreo 10:24-25 ASND)
Anu-ano ang mga maaari nating gawin upang magkaroon ng healthy community? Meron kaming ilang suggestions para sa iyo, tingnan mo which ones you’d like to try:
-
Worship together with other believers every Sunday; maghanap ng Bible-believing church na malapit sa iyo!
-
Makipagkilala sa mga taong gusto ring lumakas ang spiritual life. Maaari mong gawin ito sa pagsali sa mga small group gatherings hosted by a Christian church; maaari itong Bible study, o ang iba ay tinatawag na “life groups” dahil dito nag-uusap ng tungkol sa mga pinagdadaanan sa buhay;
Remember, huwag mong ikahiya o sisihin ang sarili mo kung feeling mo mahirap i-practice ang community sa season mo ngayon. Ask for God’s grace and courage to practice meeting with other believers.
Tandaan mo, Friend, isa kang miracle!

