community = game changer! Find out why.🤩

There’s a saying that goes, “You can know a person by the books he reads and the company he keeps.” So, curious lang, anu-ano ba ang binabasa o pinapanood mo sa cellphone mo? At sino ba ang mga kaibigan mo? Natutulungan ka ba nila maging better person — and same goes for you, natutulungan mo rin ba sila?
Recently, my family and I were talking about the friends we had growing up. May mga kaibigan akong kapareho ko ng hilig — mga libro at handicraft. Isa sa mga kaibigan kong ito ay teacher din namin, at sobrang galing niya sa lahat ng gawaing kamay. Lagi siyang nagbibigay ng mga maliliit na clay sculptures na siya mismo ang gumawa. Meron din akong mga classmate na tumulong sa akin para mas lumapit sa Panginoon.
Naitanong namin ito dahil isa din itong resulta ng pagmamahal ng Panginoon. As we continue our series, “The Power of Love,” let’s take a look at how it impacts our relationships. Today, let’s read this passage:
At sikapin nating mahikayat ang isaĘĽt isa sa pagmamahalan at sa paggawa ng kabutihan. Huwag nating pababayaan ang mga pagtitipon natin gaya ng nakaugalian na ng ilan. Sa halip, palakasin natin ang loob ng bawat isa, lalo na ngayong nalalapit na ang huling araw. (Mga Hebreo 10:24-25 ASD)
Dito natin makikita na nais ng Panginoon na hikayatin natin ang isa’t isa sa pagmamahalan at paggawa ng kabutihan. And we can only do this the more we experience His love for us. The good news? As we keep meeting together, we also feel His love for us through each other’s lives and as we love one another.
Ikaw ba, may mga kasamahan ka bang nagpapalakas ng loob sa isa’t isa? Kung wala pa, we encourage you to find a local church where you can have this kind of community.
Tandaan mo, isa kang miracle!

