• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • MM Burmese
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
    • VI Vietnamese
Publication date Ago 31, 2026

Come Rest in Him

Publication date Ago 31, 2026

Pamilyar ba sa’yo ang ganitong mindset: “Kapag natapos ko na lahat ng kailangan kong gawin, saka ako magpapahinga”? 

May isang kwento tungkol sa isang milyonaryo na tinanong kung ano pa ang makapagbibigay sa kanya ng tunay na kaligayahan. Ang sagot niya?

“Just a little more.” 

Although the story is more about discontentment, it also reminds me of how many of us sometimes postpone rest and relaxation by telling ourselves, “Pagkatapos nito, magpapahinga na ako.” 

Gaya ng kaibigan kong nagpunta sa China para sa isang tour. Pagbalik niya, pagod na pagod siya. Paano ba naman, kahit doon, hindi niya magawang iwan ang kanyang mga responsibilidad. Kaya sinasabi niya, “Pagkatapos nito, saka ako magpapahinga.” And you know what? Hindi niya talaga nagawang magpahinga.

“Konti na lang.” “Tatapusin ko muna ito.” “Mamaya na ako magpapahinga.” Yan ang mga madalas nating sinasabi sa sarili natin kapag may ginagawa tayo. Tama, di ba?

Pero iba ang invitation ni Jesus. Hindi Niya sinabing, “Tapusin mo muna lahat.” Ang sabi Niya ay simple, “Come.” 

Sa kuwento nina Martha at Mary sa Luke 10, makikita natin ang dalawang taong parehong nagmamahal kay Jesus. Si Martha na abala sa paglilingkod kay Jesus at sa mga alagad Niya. At si Mary na pinili munang umupo sa paanan ni Jesus at makinig sa Kanya. Hindi dahil tamad siya. Kundi dahil alam niyang doon nanggagaling ang tunay na lakas. Ang magpahinga ng kasama si Jesus ay hindi reward pagkatapos ng trabaho. Ito ang simula ng isang buhay na may totoong maitutulong sa iba.

This is our challenge to you today. Maglaan ka ng limang minuto ngayon. Buksan ang Biblia, huminga nang malalim, at sabihin kay Jesus, “Lord, nandito lang ako. I want to hear from You.” 

Tandaan mo, isa kang miracle! 

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.