Choose The Best
Mabilis ka bang mag-react kapag may nangyayari, pero sa huli ay pinagsisisihan mo rin ang nasabi o nagawa mo?
Recently, nakipagkuwentuhan kami sa mga kaibigan namin tungkol sa init ng ulo. May isang nag-share ng kanyang technique: kapag nakakaramdam siya ng galit, humihinto muna siya nang sampung segundo. Sa halip na agad mag-react, binibigyan niya ang sarili niya ng oras para mag-isip at piliin ang tamang sasabihin.
Simple lang, di ba? Pero aminin natin, hindi ito laging madaling gawin! Lalo na kapag nasaktan tayo, nainis, o pakiramdam natin ay kailangan nating ipagtanggol ang sarili natin.
Pero alam mo, dito natin makikita na sa bawat sitwasyon, may choice tayo. Maaari nating piliin ang karaniwang reaksyon ng mundo, o piliin ang attitude of heaven.
Ano nga ba ang itsura nito?
-
In the face of people hurting you, you can choose to forgive;
-
in the face of people hating you, you can respond with love;
-
in the face of distress, you can choose to depend on God;
-
In the fact of the impossible, you can believe that with God, all things are possible! (Matthew 19:26)
Hindi ibig sabihin na hindi na tayo masasaktan o magagalit. Ang mahalaga, hindi tayo nagpapadala sa emosyon dahil sa tulong ng Diyos, kaya nating pumili ng mas mabuting paraan ng pagsagot.
Kaya nga tinawag tayo ni Jesus na salt of the earth and light of the world (Matthew 5:13-16). Through our words and actions, we have the opportunity to reflect the character of heaven even in the midst of a troubled world.
Let's pray this together:
“Lord, alam kong in every situation, I have a choice. Teach me to choose Your ways, kahit minsan ay mahirap itong gawin. Tulungan Mo akong maging katulad Mo sa bawat sitwasyong kinakaharap ko. In Jesus’ name, amen.”
Sa susunod na subukin ang iyong pasensya, anong attitude ang pipiliin mong ipakita—ang sa mundo o ang sa langit?
Tandaan mo, isa kang miracle!