Friend, celebrate & share. Give it a try!
Merry Christmas! Masaya ba ang umaga mo? Were you able to receive wonderful gifts last night or this morning? Ang saya siguro ng Christmas party with family and friends—tawanan, good music, tapos overflowing with food. Or if you have loved ones who are far away this Christmas, sana nakausap mo sila at nabati ngayong Pasko—para malayo man sila, ramdam pa rin ang love ngayong season. We hope you’ve made wonderful memories this Christmas season.
As we continue our series, “Strong and Safe Relationships,” tingnan natin ang isang mahalagang aspeto ng magandang pakikitungo: sharing the joys of life.
Come to think of it, parang ang simple lang. Pero hindi pala madali na i-celebrate ang victories ng iba, or to share our own victories with those who will also genuinely celebrate with us. Let me explain.
Alam mo ba ang crab mentality? Sadly, isang ugaling madalas makita sa ilang Pinoy. Katulad ng mga alimango: kapag inilagay sa isang bayong, hindi na kailangang itali ang mga ito para hindi makawala. Bakit? Dahil kapag may isa na umakyat sa gilid ng bayong, hihilahin ito ng iba pababa hanggang sa lahat ay manatili sa loob. Sabi nga, "hilahang pababa."
But for us to have strong and safe relationships, we need to learn how to celebrate others’ victories and share our own joys with our community of safe, supportive people.
Let’s read this verse:
May mga kaibigang nagdudulotng kapahamakanngunit may kaibigan mas malapít pakaysa sa kapatid. (Kawikaan 18:24 ASD)
Ito ang isang palatandaan ng strong and safe relationships, ang kakayanan nating maging parang magkakapatid who celebrate each other’s joys and triumphs. May mga kaibigan ka bang ganito? Pwede mo silang i-chat ng pasasalamat and appreciation ngayong Christmas.
Tandaan mo, isa kang miracle!