Can you outgive God? Spoiler: no one can! 😉

Kadalasan kapag nagbibigay tayo, naghihintay tayo ng kapalit, tama ba? Tulad ni Lord—minsan naiisip natin na marami na tayong naibigay, pero bakit parang wala tayong nararamdaman na kapalit? At aminin man natin o hindi, naghihintay tayong may bumalik sa atin. Madalas itong nangyayari sa mga taong may naihandog na serbisyo kay Lord—like church events or activities, serving other people, or serving their families and loved ones.
As we continue our series, “Ang Mapagbigay na Panginoon,” may kwento sa buhay ni haring David, ang batang pastol na tumalo sa higanteng si Goliath gamit ang kanyang sling. Noong lumaki si David, ginawa siyang hari ng Panginoon. Nang siya ay maging hari, ninais niyang gumawa ng templo para sa Panginoon, and he eventually spent all his energy and resources for the building of this temple.
But do you know what the Lord did on the same night that David told the prophet Nathan about his plan of building a temple for the Lord?
Ako, ang Panginoon, ay nagsasabi sa iyo na hindi mawawalan ng maghahari galing sa angkan mo. Kapag namatay ka na at inilibing kasama ng iyong mga ninuno, ipapalit ko sa iyo ang isa sa mga anak mo, at patatatagin ko ang kaharian niya. (2 Samuel 7:11-12 ASD)
Can you imagine this? David set out to build a house for the Lord, but the Lord responded by telling David He would build David’s house—ng kanyang angkan, na pinili ni Lord na hindi mawawalan ng hari na mamumuno sa Kanyang bayan, at magpapatuloy ito sa marami pang henerasyon!
Ganito ang pagiging mapagbigay ni Lord: lalampasan pa Niya ang kahit anong pwede nating ibigay sa Kanya.
Isulat mo sa iyong journal, the different ways God has been more generous to you than you could ever be to Him—at ipagpasalamat mo ito sa Kanya.
Tandaan mo, isa kang miracle!

