Can you be trusted?
When was the last time someone entrusted you with money? Halimbawa, may group project sa school o sa community ninyo kung saan ikaw ang in charge sa paghawak ng funds. Hindi ba bawat expense dapat nakalista, at minsan may official receipt pa nga? Ginagawa mo ito dahil alam mong kailangan kang maging mapagkakatiwalaan sa bagay na ito, malinaw kung saan napunta at paano ginamit ang pera ng grupo.
Alam mo bang ganyan din pala ang dapat maging kaisipan natin sa lahat ng ibinigay ng Panginoon sa atin? Through our journey of homeschooling our kids, we learned that as parents, we are entrusted with the lives of our children, and we have a responsibility to bring them up in the ways of the Lord. Sabi nga ng educator reformer na si Charlotte Mason, binigyan daw ng Panginoon ang mga anak natin ng lahat-lahat na kailangan nila, at ito ang tanong niya: “How shall this heart, this head, these hands be employed? To whose service shall they be dedicated?”
Napakahalagang malaman natin kung para kanino ang lahat ng nasa atin. This is part of good stewardship: using these gifts for their designated purpose. At ito ang nakasulat sa Bible:
Binigyan ng Diyos ang bawat isa sa atin ng kaloob. Gamitin natin ito para sa ikabubuti ng lahat bilang matatapat na katiwala ng ibaʼt ibang kaloob ng Diyos. Ang binigyan ng kaloob sa pangangaral ay dapat mangaral ng salita ng Diyos. At ang binigyan ng kaloob upang maglingkod ay dapat maglingkod ayon sa kakayahang ibinigay sa kanya ng Diyos, upang mapapurihan ang Diyos sa lahat ng ginagawa natin sa pamamagitan ni Hesu-Kristo. (1 Pedro 4:10-11 ASD)
Let’s pause for a moment to list down the gifts that the Lord has entrusted to us. Then, let’s ask for His help to be faithful in using these gifts.
Tandaan mo, isa kang miracle!