• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu

Ngayong katatapos lang ng Holy Week, gusto naming pag-usapan ang isang napakahalagang katotohanan: buhay si Jesus! That’s why it will be our series for this week. 

Let us read what is written in the Bible. It describes what happened on the third day noong pinuntahan ng mga babaeng tagasunod ni Jesus ang lugar kung saan Siya inilibing:

Biglang lumindol nang malakas, at isang anghel ng Panginoon ang bumaba mula sa langit at iginulong ang bato na nakatakip sa libingan at inupuan ito. Nakakasilaw na parang kidlat ang kanyang anyo at puting-puti ang kanyang damit. Nanginig sa takot ang mga sundalong nagbabantay sa libingan at hinimatay. (Mateo 28:2-4 ASND

Can you imagine the scene, Friend? At higit pa dyan, nagsalita pa ang anghel sa mga babae ng ganito: 

“Huwag kayong matakot! Alam kong hinahanap ninyo si Jesus na ipinako sa krus. Wala na siya rito, dahil nabuhay siyang muli tulad ng sinabi niya sa inyo. Halikayo, tingnan ninyo ang pinaglagyan ng kanyang bangkay.” (Mateo 28:5-6 ASND)

Nakikita mo ba, Friend? This is the proof that what Jesus said is true. Bago Siya mamatay, ipinangako Niya sa kanyang mga alagad na mabubuhay Siyang muli, at totoo ngang nangyari ito!

Nang umalis na ang mga babae upang puntahan ang mga tagasunod ni Jesus ayon sa payo ng anghel, tingnan mo kung ano ang nangyari: 

Pero maya-maya, sinalubong sila ni Jesus sa daan at binati. Lumapit sila kay Jesus, niyakap ang kanyang mga paa at sinamba siya. Sinabi sa kanila ni Jesus, “Huwag kayong matakot. Puntahan ninyo ang aking mga kapatid at sabihin sa kanila na pumunta sila sa Galilea. Doon nila ako makikita.” (Mateo 28:9-10 ASND

Buhay nga si Jesus! Isa ito sa nagbibigay sa atin ng kasiguraduhan na hindi Siya nagsisinungaling, at katunayan ding hinding-hindi Niya tayo iiwan. 

Tandaan mo, Friend, isa kang miracle! 

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.