Blooming…or Just Surviving?
What’s your daily life like these days? Whether you’re a student, a work-from-home employee, a stay-at-home mom or dad, hindi ba’t lahat tayo may routine sa araw-araw—some we enjoy, and some we simply have to get through?
May mga moments na parang gusto nating mag-restart. “Baka this is not for me.” Shift course? Change job? Start over? And sometimes, that really is the right move—the wisest thing to do. Pero may mga panahon ding alam nating tama kung nasaan tayo ngayon, pero hindi pa rin madali ang mga kailangang gawin araw-araw.
This week, our series is called “Bloom Where You’re Planted.” Siguro narinig mo na itong quote na ito. Hindi natin sinasabing manatili tayo sa isang unhealthy or toxic environment, but we do believe there are times when God calls us to be faithful right where we are at the moment. This is what we want to talk about this week.
Minsan, napapatanong ka talaga, “May silbi ba ang ginagawa ko?” Isipin mo ang isang simpleng housewife—tahimik na nag-aalaga ng pamilya araw-araw—pero napapaisip kung sapat ba ang ginagawa niya. Samantalang ang isang working mom naman, buong araw nasa trabaho, uuwi na may dalang guilt, pakiramdam niya hindi siya laging present para sa pamilya niya. Magkaiba man ang sitwasyon, pareho silang may tanong: “Tama ba ang ginagawa ko?” At mahirap yung pakiramdam na laging may bumabagabag na tanong—“Tama ba ang decision ko?”
Let’s read this verse:
“Ang taong mapagkakatiwalaan sa maliliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa malalaking bagay. At ang taong madaya sa maliliit na bagay ay magiging madaya rin sa malalaking bagay. (Lucas 16:10 ASD)
Nakikita mo ba? Kahit ano pa ang kalagayan natin ngayon, napapansin ni Lord ang kahit maliliit na bagay na ginagawa natin. At pwede pala tayong maging faithful sa kung anong ibinigay sa atin.
Tandaan mo, isa kang miracle!