• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • MM Burmese
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Hun 16, 2026

Bloom Where You Are

Publication date Hun 16, 2026

Kapag paulit-ulit ang ginagawa, aminin, nakakatamad na rin minsan, diba? Kami? Oo, nararamdaman namin ’yan! Especially when it feels like you’re not making a difference anywhere. 

Bata pa lang ako, napapatanong na ako kung ano ang silbi ng buhay ko. At ganito rin ang panganay kong anak, gusto niyang lahat ng ginagawa niya ay may patutunguhan. Lagi siyang naghahanap ng pwedeng gawin na makakatulong sa iba. Hindi ko naman sinasabing espesyal o napakamatulungin namin, pero naniniwala kami na this longing came from the Lord.

Sabi nga sa Bible, “God has set eternity in the hearts of men (Ecclesiastes 3:11). 

Kung nasa sitwasyon ka ngayon na alam mo naman ang pinapagawa ng Panginoon sa’yo, pero dumarating pa rin talaga ang mga panahong nawawalan ka ng gana, para sa’yo ang series natin this week: “Bloom Where You’re Planted.” 

Isa sa mga paborito kong kwento sa Bible ay ang tungkol kay David, ang batang pastol na tinawag ng Panginoon upang maging susunod na hari.(Mababasa ang kwento niya simula  1 Samuel 16.) Noong panahong iyon, ang pagpapastol ay isa sa pinakamababang uri ng trabaho. 

Kahit na pinili na siya ng Panginoon noong bata pa siya, hindi siya kaagad ginawang hari. Nanatili pa rin siyang pastol. At habang binabantayan niya ang mga tupa, doon siya tinuruan ng Panginoon ng maraming bagay na nagamit din niya sa huli nang maging hari na siya. 

Isn’t that interesting? That as we continue to be faithful where God has placed us, He can still prepare us for the things He wants us to become in the future? Pwede mong kausapin si Lord tungkol dito. You can journal or talk to Him in prayer. 

Tandaan mo, isa kang miracle! 

Isa kang miracle!

Yen Cabag
Author

Homeschooling mom and author committed to finding beauty and creating beauty.