• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Hul 25, 2025

Bigay yan ni Lord— gamitin mo, Friend🎸

Publication date Hul 25, 2025

Alam mo ba na ang daming kwento sa Bible — some are true events, others are parables of Jesus? Friend, kung mahilig ka sa mga stories, mag-eenjoy kang basahin ang Bible. Ang isa pang nakakatuwa sa mga kwento dito, tumatatak sila sa ating mga isipan.

Let’s look at another of Jesus’ parables — medyo mahaba, pero don’t worry, we summarized it for you! Pwede mo rin itong basahin nang buo sa Mateo 25:14-30

Basahin natin ang unang bahagi ng kwentong ito:

“Ang Kaharian ng Langit ay maihahalintulad sa kuwentong ito: May isang taong papunta sa malayong lugar. Kaya tinawag niya ang kanyang mga alipin at ipinagkatiwala sa kanila ang kanyang ari-arian. Binigyan niya ang bawat isa ayon sa kani-kanilang kakayahang magnegosyo. Binigyan niya ang isa ng limang libong salaping ginto, ang isa naman ay dalawang libong salaping ginto, at ang isa pa ay isang libong salaping ginto. Pagkatapos ay umalis na siya. (Mateo 25:14-15 ASND

So, ganito ang nangyari —-iba-iba ang ginawa ng mga alipin, mayroon sa kanilang nagnegosyo gamit ang perang iniwan, at ang binigyan ng isang libo ay “humukay sa lupa at itinago roon ang perang ibinigay ng kanyang panginoon. (v. 18)” 

Nang bumalik ang amo, ipinatawag niya ang mga alipin. Tuwang-tuwa ang amo sa dalawang nagnegosyo na may ipinakita pang karagdagang kita. Tinawag niya itong mga mabuti at tapat na alipin, at dahil dito ibinigay sa kanila ang pamamahala sa mas malaki pang halaga. Pinagalitan naman ng amo ang alipin na sa halip na ilaan ang pera sa negosyo, ay mas pinili pang itago ito at hindi ginamit nang wasto ang ibinigay sa kanya.

Marami ang nagsasabing paglalarawan ito ng mga talentong ibinigay ng Panginoon, which He wants us to use for blessing others. Ikaw ba, Friend, ano kaya ang mga talento mo? 

Tandaan mo, Friend, isa kang miracle! 

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.