Behind The Scenes
Mahilig ka ba sa surprise o naranasan mo bang ma-prank? Basta harmless lang at walang masasaktan o mapapahiya, masaya ang mga ganitong moments, di ba?
Pero minsan, habang nangyayari ang isang surprise, hindi natin agad nakikita ang magandang intensyon sa likod nito. Akala natin may hindi magandang dahilan, pero malalaman din natin na may magandang plano pala na hindi lang natin nakita.
Nangyari ito sa isa naming mentor noong single pa kami. Malapit na ang birthday niya, kaya nagplano ang buong grupo ng surprise party. Part of the plan was for everyone NOT to greet him "Happy Birthday" the whole day.
Kaso, nasaktan siya dahil akala niya wala ni isa sa amin ang nakaalala ng birthday niya. Kaya nang dumating ang gabi at nalaman niya ang sorpresa, kapansin-pansin na parang hindi pa rin siya makangiti. Buong araw na pala niyang dala ang sama ng loob sa amin.
Nakakatawa na lang isipin ngayon. But perhaps because we were still young at the time, we didn't realize that even though our intentions were good, we failed to see how our actions could affect him.
May mga pagkakataon na may ginagawa ang Diyos sa buhay natin na hindi natin agad naiintindihan. Kapag masakit o mahirap ang sitwasyon, madali tayong masaktan at magalit sa Kanya. Pero kadalasan, sa huli lang natin nakikita na ang lahat ng iyon ay para rin pala sa ikabubuti natin. (Song 2:6)
These are some of my favorite lines from the song “Waymaker”:
You are Waymaker, miracle workerPromise keeper, light in the darknessMy God, that is who You are
Even when I don't feel it, You're workingYou never stop, You never stop working
Anong mga bagay ang hinihintay mong gawin ni Lord ngayon? Lumapit ka sa Kanya at ikuwento mo ang mga ito. At habang hindi mo pa nakikita ang sagot, hold on to the truth that His plans are good.
Tandaan mo, isa kang miracle!