Before You Say That
Imagine this: may nagsabi sa’yo ng something hurtful. Before you even have time to think, may sagot ka na agad sa isip mo. Gusto mong gumanti. Familiar?
Kapag nasaktan tayo, ang dali talagang magsalita mula sa galit. Minsan, isang salita lang ang narinig natin, pero sampung masasakit na salita ang gusto nating ibalik.
But what if there’s another way?
This week, we’re starting a new series called “Expressing God’s Love.” One practical way we can show the love of the Lord is through the words we choose—especially when we’re hurt, angry, or disappointed.
Hindi ibig sabihin nito na bawal tayong masaktan o magalit. But instead of letting anger control our response, we can pause, pray, and ask God, “Lord, ano ang gusto Mong sabihin ko?” Because sometimes, loving others means choosing not to say everything we feel.
Sa Kawikaan 15:1-2 ASD, may wisdom ang Panginoon tungkol dito:
Ang malumanay na sagotay nakakapawi ng poot,ngunit lalong nakakapagpagalitang pabalang na sagot.Ang salita ng taong marunongay nagpapahiwatig ng karunungan,ngunit ang salita ng hangalay nagpapakita ng kahangalan.
Powerful diba?
A gentle answer can calm anger, while harsh words can only make things worse. Napakahalaga pala na masanay tayong magbigay ng malumanay na sagot at magsalita nang may karunungan. We can ask the Lord to give us wisdom in the way we speak, and through our words, we can express His love to others.
Today and in the days to come, let’s challenge ourselves: slow down before we speak. Kapag galit, pause. Kapag hurt, pray. At kapag magsasalita na, piliin nating maging kind and gentle.
Sana ang mga bibig natin ay maging instrumento ng peace, grace, and love.
Tandaan mo, isa kang miracle!