Beast-mode ka ba? 🤬 Chill lang—He’s still holding you.

Kumusta ka ngayon? Tulad ng lagi naming dasal, sana okay ka lang. Pero baka may dinadala kang mabigat sa ngayon. May problema ba? May taong nawala sa buhay mo? Are you hurting? Or is there a change you need to face?
Today we are sharing a mini 3-day series called, “He is Holding You.” We hope this helps you walk through whatever difficult times you might be facing.
Basahin natin itong sinulat ng salmistang si Asaph:
Nang nasaktan ang aking damdaminat nagtanim ako ng sama ng loob,para akong naging hayopsa inyong paningin,mangmang at hindi nakakaunawa.Ngunit patuloy akong lumapit sa inyoat akoĘĽy inakay nĘĽyo. (Salmo 73:21-23 ASD)
Siguro talagang matinding galit ang naramdaman ng isang tao nang siya’y masaktan—sapat para mawalan siya ng tamang pag-iisip. Naranasan mo na rin ba ang ganitong estado, na para kang naging hayop sa paningin ng Diyos, katulad ng inilalarawan sa Salmo?
But it’s encouraging to see that even the people who wrote the Bible struggled with intense emotions. Nakakamangha na inilagay talaga ito ng Panginoon sa loob ng Bibliya! Ibig sabihin, hindi Siya nagugulat sa mga nararamdaman natin.
Pero nakikita mo ba ang last verse sa binasa natin? Pwede pa rin tayong lumapit sa Kanya—at hindi lang iyon, gusto Niya talaga ito, dahil patuloy Niya tayong inaakay.
Today we encourage you to take some time — kahit five minutes o ten minutes — para makausap si Lord. Dalhin mo sa Kanya lahat ng bigat na dinadala mo. Pwede kang umiyak, sumigaw, o magalit. At gaya ng salmista, maglakas-loob kang lumapit sa Kanya and let Him hold you.
Tandaan mo, isa kang miracle!

