Be you,
nag-join ka na ba sa isang simbahan ? In the Bible, the church refers to a group of Jesus-followers who commit to grow together in knowing Him. May kwento ako para sa’yo…
Noong high school ako, may mga kaklase akong nagbahagi sa akin tungkol sa pagmamahal ni Jesus. But it wasn’t until after college that I had my first experience trying to connect with a local church. Ang unang simbahang napuntahan ko ay may Sunday worship gathering sa loob ng isang sinehan, at may study series at that time that caught my interest. At ang isang linyang hindi ko makakalimutan ay ito: ‘where imperfect people are perfectly welcome.’
Marami sa atin ang may maling akala na welcome ka lang sa isang simbahan kung nagbago na ang buhay mo. Ang iba ay nagbibiro pang, 'putulin ko muna ang sungay ko.' These beliefs lead to more pretense, when in reality, what we’re all longing for is the freedom to be truly ourselves.
But here’s the good news: Jesus doesn’t expect us to be perfect before coming into His family. In fact, ito ang sinasabi Niya sa Bible:
Inihandog niya ang kanyang sarili para sa iglesya [church] upang maging banal ito matapos linisin sa pamamagitan ng paghuhugas sa tubig at sa salita ng Diyos. Ginawa niya ito para maiharap niya sa kanyang sarili ang iglesya na maluwalhati, banal, walang kapintasan, at walang anumang bahid o dungis. (Mga Taga-Efesos 5:25-27 ASD)
Nakikita mo ba? Siya mismo ang maglilinis sa atin. Kaya huwag kang matakot humanap ng local church where you can connect and grow. We’d be happy to give recommendations if we know any near where you are. Or let us know too when you find one!
Tandaan mo, isa kang miracle!