• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • MM Burmese
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Nob 1, 2025

Be honest: what’s keeping you up at night? 😔

Publication date Nob 1, 2025

Let’s be real, fear is part of life. San ba tayo natatakot? Sa failure, rejection, not being enough, or the unknown. Noong pandemic, takot tayong magkasakit o mawalan ng mahal sa buhay. Ngayon, tapos na ‘yun — pero may bagong kaba: adulting, pressure, responsibilities, life stuff. Different season, same struggle. 

Hindi madaling labanan ang takot. And it’s hard because it can make us feel alone, like no one’s on our side.

Ganyan ba ang pakiramdam mo, na nag-iisa ka? Mahirap ba sa ‘yong magtiwala sa ibang tao? Maybe because of that, parang gusto mo na lang sumuko... kasi sobrang bigat na.

May good news ako sa iyo: hindi ka nag iisa! Ang Panginoon na Creator ng buong universe ay nagsasabing “I am with you… And I will help you!” Tingnan natin ang nakasulat sa Isaias 41:10 (ASND)

Huwag kang mangamba dahil ako ang Dios mo. Palalakasin kita at tutulungan. Iingatan kita sa pamamagitan ng aking kapangyarihan na siya ring makapagliligtas sa iyo.

Wow, matatakot ka pa ba nyan? Anuman ang pinagdadaanan mo ngayon, promise Niya na tutulungan ka Niya at hindi ka Niya pababayaan—no matter what! That’s the best reason to keep going. We got your back, and more than that, our Father in heaven is always with you, ready to help!

OK lang ba kung mag-pray tayo together? You can pray this with me: “Lord, fearful ako sa ____________ (insert your fear here). Kailangan ko ang tulong Mo sa struggle na ito. Please help me see that You are with me and that You will help me. In Jesus’ name, amen.”

Don’t forget, isa kang miracle! 

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.