• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • MM Burmese
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Peb 12, 2026

Bawat isa, nakikita ni Lord. Oo lahat.

Publication date Peb 12, 2026

Nakapanood ka na ba ng movies o reels kung saan ang mga tao’y parang numero lang? Like in war movies, where prisoners of war are referred to by numbers instead of their names. O yung mga subjects sa experiments, na nawawala ang identity nila at nagiging number lang. Nakakalungkot, ‘di ba?

Invisible…marami pala sa atin ang nakakaramdam nito nang hindi natin nalalaman. This is especially common for those who are more sensitive, yung mga madaling naiirita sa kung ano lang, lalo na kapag nababalewala ang mga pangangailangan nila. Ever felt like this?

But we have good news for you! When it comes to God, walang taong hindi Niya nakikita, at tinuturuan Niya rin tayo how to value every single person. Let’s read the following passage:

Kaya nagkwento si Hesus ng isang talinghaga sa kanila, “Kung kayo ay may isang daang tupa at nawala ang isa, ano ang gagawin ninyo? Hindi baʼt iiwan ninyo ang siyamnapuʼt siyam sa pastulan at hahanapin ang nawawala hanggang sa makita ninyo? At kapag nakita na ninyo, masaya ninyo itong papasanin pauwi. Pagkatapos, tatawagin ninyo ang mga kaibigan at kapitbahay ninyo at sasabihin sa kanila, ‘Makipagsaya kayo sa akin, dahil nakita ko na ang nawawala kong tupa.’  Ganoon din sa langit, masayang-masaya sila roon dahil sa isang makasalaning nagsisi kaysa sa siyamnapuʼt siyam na matuwid na hindi nangangailangang magsisi. (Lucas 15:3-7 ASD

Nakikita mo ba? Kahit nandoon pa ang 99 na tupa at isa lang ang nawawala, hinanap talaga ito ng pastol. That’s also the heart of the Lord toward us, and He wants us to have the same heart. What is the “one” that He has entrusted to you—na gusto Niyang mapagkatiwalaan ka? You can pray to Him about this, asking that you may become faithful.

Tandaan mo, isa kang miracle! 

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.