• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • MM Burmese
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Abr 16, 2026

Are You Used to Love That’s Steady, or Fluctuating?🧐

Publication date Abr 16, 2026

When you were young, how stable was your picture of grownups’ love for you? Sabi nga nila, iba ang tingin mo sa pagmamahal at sa Panginoon kung lumaki kang palaging nandiyan ang mga magulang mo, compared to if you grew up around adults whose love felt conditional and fluctuating. 

Siguro, nagiging mahirap ito dahil hindi talaga palaging maaasahan ang pagmamahal ng lahat tao. But the good news is, we have a God whose love is unfailing, at ito ang focus ng series natin this week. Today, let’s read what is written in the Psalms in the Bible.”

Ngunit kayo, Panginoon,ay Diyos na nagmamalasakit at mahabagin.Wagas ang pag-ibig nʼyo, at hindi kayo madaling magalit.Bigyang-pansin nʼyo ako at kahabagan;bigyan nʼyo ako ng inyong kalakasanat iligtas ako na inyong lingkod. (Salmo 86:15-16 ASD

Natatakot ka rin bang magalit ang Panginoon sa iyo? Kung palagi kang napapagalitan noong bata ka, mas madalas daw lumalabas ang takot na ito pati sa pagkilala mo kay Lord. Kaya napakahalagang unti-unti nating mabago ang pag-iisip natin tungkol sa Kanya, at mangyayari ito the more we get to know who He really is as He reveals it in the Bible.  

Kung nahihirapan kang maniwalang hindi Siya madaling magalit, at na binibigyang-pansin Niya tayo, pwede mong kopyahin ang Bible verses na ito sa isang papel o card, at ilagay ito sa isang lugar na makikita mo araw-araw. Pwede ito sa salamin sa banyo o sa mesa mo sa trabaho. Bigkasin mo ito kahit isang beses lang bawat araw. Pwede rin itong maging umpisa ng pakikipag-usap mo sa Kanya, bilang panalangin.  

Tandaan mo, isa kang miracle! 

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.