Are you sick?
Uso na naman ang sakit ngayon. When was the last time you were feeling under the weather? Mahirap magkasakit, lalo na kung mag-isa ka lang nakatira or malayo ka sa loved ones mo. Some people deal with flu or fever, pero ang iba naman ay may malalalang kondisyon like diabetes, high blood pressure, or even cancer.
We want to share two important truths with you: una, kaya ng Panginoon na pagalingin ang kahit anong sakit because He is all-powerful. We see this all throughout the Gospels—pinagaling ni Jesus ang mga bulag, bingi, pilay, mga nasasapian ng demonyo, at maging ang mga patay, muli Niyang binuhay.
And the second truth is this: even if He doesn’t heal you, that doesn’t mean He doesn’t love you. Sa totoo lang, mahirap maintindihan kung bakit may mga taong gumagaling at ang iba ay hindi. Pero kahit hindi natin matanggap ang inaasahan nating miraculous healing, we can still stand on the truth that He is able—and that He is willing to comfort us through suffering.
So today, let’s hold both truths together as we read these verses:
…ako ang Panginoon, ang nagpapagaling sa inyo. (Exodus 15:26 ASD)
Pinagagaling niya ang mga pusong nabigo,at ginagamot ang kanilang mga sugat. (Salmo 147:3 ASD)
Kung may sakit ka ngayon, pwede nating hingin kay Lord ang Kanyang pagpapagaling. At habang hinihintay natin ito, pwede rin tayong lumapit sa Kanya for His comfort in sickness and suffering. Gustong-gusto ka Niyang yakapin at bigyan ng kagaanan ng kalooban. Pwede mong dasalin ito:“Lord, I need Your healing touch. But even if I don’t get it right now, let me feel Your comfort in this season.”
Tandaan mo, isa kang miracle!