Are You Prepared?
Do you exercise? Kailan ka huling nag-exercise?
Or katulad ka rin ba ng iba na laging sinasabi, “Starting tomorrow, mag-eexercise na ako.” And then, ayan na ang tomorrow… pero nauna pa rin ang sarap ng paghiga.
Alam naman natin na mahalaga ang exercise. Hindi tayo nag-eexercise dahil may sakit na tayo. Ginagawa natin ito habang healthy pa tayo—kasabay ng pagkain ng tama at pag-aalaga sa katawan—para maging mas malakas tayo kapag dumating ang panahon na kailangan natin ng extra strength.
Alam mo bang ganoon din ang faith natin?
Hindi lang natin kailangan ng matibay na pananampalataya kapag nasa gitna na tayo ng problema. We can strengthen our faith now, habang tahimik pa ang season, bago dumating ang discouragement, fear, o mabigat na pagsubok.
At paano natin gagawin ito? Here are some things we can do to exercise and strengthen our faith:
-
Reading and speaking God’s Word from the Bible
-
Reminding ourselves of our identity as children of God
-
Declaring our faith in the Lord
-
Singing songs of praise and thanksgiving to Him
-
Surrounding ourselves with people who follow Him
-
Praying throughout our daily lives
-
Meditating on and reflecting on the Word of God
At marami pang iba.
At kapag dumating ang tough days, hindi ka magsisimula sa zero. May mga katotohanang naitanim na sa puso mo. May faith kang napalakas bago pa dumating ang battle.
Kaya basahin natin ito:
“...I have written to you, young men, because you are strong, and the word of God abides in you, and you have overcome the wicked one.” (1 John 2:14, NKJV)
Sabi ng Panginoon, you are strong. Nasa iyo ang Kanyang salita. You have overcome the evil one.
Kung dumating ang isang mabigat na season bukas, gaano kahanda ang faith mo dahil sa mga ginagawa mo today?
Tandaan mo, isa kang miracle!