are you missing this kindness lesson? 😇
How would you define kindness? At sinu-sino sa mga tao sa buhay mo ang masasabi mong puno ng kabaitan?
Sa series natin ngayong linggo, “Ang Kabaitan ni Jesus”, lets us take a look at some of the things that show Jesus’ kindness. Today, we’ll focus on one of His teachings, because it gives us another glimpse of His heart for people and for our relationships with them. Basahin natin itong nakasulat sa Bibliya:
Sa halip, ito ang inyong gawin: Mahalin ninyo ang inyong mga kaaway at gawan ninyo sila ng mabuti. Kung magpapahiram kayo, magpahiram kayo nang hindi umaasa ng anumang kabayaran. Malaking gantimpala ang tatanggapin ninyo, at makikilala kayong mga anak ng Kataas-taasang Diyos. Sapagkat mabuti siya kahit sa masasama at sa mga walang utang na loob. Maging maawain kayo tulad ng inyong Amang maawain. (Lucas 6:35-36 ASND)
Naku, mukhang napakahirap gawin ang mga ito. Ang nakakatuwa, itinuturo ito ni Jesus at alam nating ganito din ang Kanyang gagawin kapag Siya ang nasa ganitong sitwasyon. Dahil nakita natin ang kanyang mga gawa — pagtulong sa mga tao, paggawa ng mga himala, at pati na rin ang pagmamahal sa mga kaaway. Bakit namin nasasabi ito? Basahin nating itong verse:
Bihira ang taong mag-aalay ng kanyang buhay para sa isang taong matuwid, bagamaʼt maaaring mayroong maglakas-loob na ibigay ang kanyang buhay para sa isang mabuting tao. Ngunit ipinakita ng Diyos sa atin ang kanyang pag-ibig sa ganitong paraan: Kahit noong tayoʼy makasalanan pa, namatay si Kristo para sa atin. (Roma 5:7-8 ASND)
Sa ibang kahulugan, sinasabi dito na kahit noong kaaway pa Niya tayo, namatay si Jesus para sa atin.
Let’s pause for a moment and thank Him for His love and kindness towards us.
Tandaan mo, isa kang miracle!