• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • MM Burmese
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date May 28, 2025

Are you in a new season of life? ๐Ÿ“–

Publication date May 28, 2025

What season of life are you in right now? Nag-aaral ka ba, nagtatrabaho? Bagong kasal, bagong magulang? May dinadanas ka bang pagbabago in terms of your life season? Hindi madali ang dumaan sa mga pagbabago, whether they are good changes or bad changes. Kahit sa mga magagandang pagbabago, we have a lot of adjustments or challenges to face.

Sa Bible, may kuwento kung saan matanda na si Moses at kailangan na ng Israel to have a new leader. The Lord chose Joshua, and under Joshua, maraming kailangang gawin ang Israel papunta sa ipinangakong kalupaan sa kanila, which includes defeating their enemies in those lands.

Letโ€™s read the following verse, na naging bahagi ng farewell speech ni Moses to the Israelites:

Magpakatatag kayo at magpakatapang. Huwag kayong matatakot sa kanila dahil ang Panginoon na inyong Dios ay kasama ninyo; hindi niya kayo iiwan o pababayaan man. (Deuteronomy 31:6 ASND)

Nakikita mo ba? Kahit sa gano'ng napakahirap na sitwasyon ng Israel sa panahong madami silang kaaway at nakakatakot ang lahat ng mga ito, may pangako si Lord: na kasama nila Siya, at hindi Niya sila iiwan o pababayaan. Kaya, kung ikaw ngayoโ€™y may pinagdadaanang nakakatakot, maaari mo ring tanggapin ang pangako Niyang ito.

Kumuha ng notebook and letโ€™s practice journaling our thoughts and feelings from this verse. Pwede kang magsulat tungkol sa pinagdadaanan mo ngayon na nagdudulot ng takot sa iyo. Then, write down the Lordโ€™s encouragement and promise for that situation: na magpakatatag ka at magpakatapang, at huwag matakot dahil ang Panginoon, na iyong Diyos, ay kasama mo, at hindi ka Niya iiwan o pababayaan magpakailanman.

Tandaan mo, isa kang miracle!

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.