Are you afraid, Friend 🫣

Friend, ano ba ang mga pinagdadaanan mo ngayon? Kung may mga paghihirap kang kinakaharap ngayon, gaya ng sickness, worries, financial problems, o relationship issues, nag-iisip ka din ba na sana ay may kasama ka sa problema? Sa tingin ko, mas lalong mahirap dumaan sa problema kapag pakiramdam mo ay walang tumutulong sa iyo, o kahit makausap man lang, tama ba?
Relax lang, Friend. May good news kami sa iyo: kapag tagasunod ka ni Jesus, kahit na dumadaan ka sa problema, alam mong laging may kasama ka, dahil pangako ito ng Panginoon.
Let’s read this verse:
Huwag kang mangamba dahil ako ang Dios mo. Palalakasin kita at tutulungan. Iingatan kita sa pamamagitan ng aking kapangyarihan na siya ring makapagliligtas sa iyo. (Isaias 41:10 ASND)
Ang verse na ito ay sinabi ng Panginoon sa mga Israeli sa isang panahon na sila’y mga itinapon sa Babylon, lugar ng kanilang mga kaaway. Hindi ba nakakatakot iyon? Pero binigyan sila ng Panginoon ng napakagandang pangakong ito, at maaari din natin itong paniwalaan sa mga pinagdadaanan natin.
Nangangamba ka ba ngayon, Friend? Tandaan mo, Siya ang Diyos mo, at pangako Niyang palakasin at tulungan ka. You can go to him for help, and He can give you the help and protection you need as you go through times of fear and difficulty.
Friend, kumuha ng notebook at ballpen. Isulat ang mga bagay na nagbibigay sa iyo ng pangamba. Then, one by one, offer them up to God in prayer. You can say this, “Lord, nangangamba ako sa ____ at _____. Kailangan ko ng tulong mo. Turuan mo akong magkaroon ng tiwala sa pangako mong kasama kita sa lahat ng pinagdadaanan ko. Salamat sa Iyong pagtulong. In Jesus’ name, amen.”
Tandaan mo, Friend, isa kang miracle!

