Are You a Burden?
Have you ever wondered if God gets tired of you? Be honest.
Maybe you’ve had days when you felt like you were too needy, too emotional, or too broken. Kung nasa ganitong season ka, hindi ka nag-iisa. Marami sa atin ang nakakaramdam din ng ganoon.
Pero isipin mo ang isang newborn baby. Sa unang mga araw ng isang sanggol, halos buong mundo ng mga magulang niya umiikot sa kanya. Bote. Diaper. Puyat. Karga. Iyakan. Then, a few hours later, balik ulit. Nakakapagod, ‘di ba? Pero may nanay o tatay bang haharap sa umiiyak na baby at sasabihin, “Ano ba, huwag ka na ngang umiyak! Kaya mo na ‘yan. Alagaan mo na ang sarili mo.” Of course not.
Kapag umiyak ang baby, pupuntahan siya at buong pagmamahal na bubuhatin. Kapag gutom, papakainin. Kahit paulit-ulit, hindi sasabihin ng magulang, “Tama na. Pagod na ako sa’yo.”
And that gives us a glimpse of how deeply our Heavenly Father cares for us. He hears and answers our cries.
Let’s read this verse:
Iniingatan ng Panginoonang mga matuwid,at pinakikinggan niya ang kanilang mga daing. (Salmo 34:15 ASD)
Among the billions of people in this world, God still hears your cry. You are not lost in the crowd. Hindi Siya nagsasawang makinig sa’yo. Napakalalim ng pagmamahal Niya, higit pa sa kaya mong isipin.
Nothing compares to how tenderly God loves you. His love isn’t affected by your circumstances, and it never changes.
Hinding-hindi napapagod ang Panginoon sa pag-aalaga sa iyo, pakikipag-usap sa iyo, at paglalakad kasama mo. His loving gaze is upon you—not just on your best days, but every single day.
He will never get bored or tired of you.
Tandaan mo, isa kang miracle!