Are there things that hinder you from the Lord?
Happy Valentine’s Day!
Kapag nagmamahal ka, ano ang mga bagay na ginagawa mo para sa mahal mo? Inaalam mo ang mga gusto niya, at happily ninyo itong ginagawa together—anything that makes that person happy. Sabi nga, “the things you do for love.” At kapag may bagay siyang hindi gusto, hindi ba’t gagawin mo ang lahat para maiwasan ‘yon?
As we continue our series this week, “Maging mapagkakatiwalaan ni Lord,” pag-usapan natin ang ideya ng pagiging mapagkakatiwalaan, na ito ay hindi lang tungkol sa mga ginagawa natin, kundi pati rin sa kung ano ang hinihindian at iniiwasan nating gawin. Let’s read the following passage from the Bible:
Bilis!Hulihin ang mga asong-gubat na sumisirang aming mga ubasang namumulaklak. (Awit 2:15 ASD)
This passage comes from the Song of Solomon, na isinulat ng haring Solomon bilang paglalarawan ng pag-iibigan nila ng kanyang minamahal. Ginagamit din ito to illustrate the love of Jesus for His beloved—which is us, His church. In this chapter, the writer is describing the beauty of his vineyard, but he also points out “the little foxes that ruin our vineyards.”
Pwedeng tumutukoy ito sa iba't ibang bagay na nagpapagulo sa ating pagsunod kay Jesus. Here, Jesus is encouraging us to get rid of these little foxes. Isa rin pala itong paraan para maging mapagkakatiwalaan ng Panginoon: ang matutong pumili ng mga bagay sa buhay natin na magpapalapit sa Kanya, at malaman kung ano ang magpapalayo sa atin sa Kanya.
Pwede mong dasalin ito, “Jesus, show me the little things that draw me away from You. Teach me how to say no sa mga bagay na ito. Gusto kong mas lumapit sa Iyo. In Jesus’ name, amen.”
Tandaan mo, isa kang miracle!