• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • MM Burmese
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date May 30, 2025

Anxious ka ba sa mga gawain? 😖

Publication date May 30, 2025

Friend, nakaranas ka na bang mabigyan ng malaking responsibilidad na natatakot kang gawin? You might feel confused, or anxious, or afraid that you might make a mistake or not do it well. 

Alam mo bang maraming tao pala sa Bible ang nakaranas din ng ganoong pakiramdam? Kung matagal ka nang nakakatanggap ng mga emails namin, maaalala mong napag-usapan natin sa series na ito ang kuwento ni Moses at Joshua. Noong matanda na si Moses at patapos na ang pagiging leader niya ng Israel, pinili ng Panginoon si Joshua na papalit sa kanya. Napakarami ang mga Israelites sa panahong iyon, at napakabigat na responsibilidad ang ibinibigay kay Joshua. Naiisip mo ba kung ano kayang mga bagay ang pumasok sa isipan ni Joshua? 

Pero tingnan natin itong sabi ng Panginoon sa kanya: 

Alalahanin mo palagi ang bilin ko sa iyo: Magpakatatag ka at magpakatapang. Huwag kang matakot o kayaʼy manghina, dahil ako, ang Panginoon na iyong Dios, ay sasaiyo kahit saan ka pumaroon. (Josue 1:9 ASND

Nakikita mo ba, Friend? Kahit gaano kalaki ang responsibilidad na ibinibigay sa atin, o kahit ano pa ang mga kailangan nating gawin, kasama natin si Lord. His presence will go with us, at ito ang magpapatatag at magpapatapang sa atin. Tutulungan Niya tayong malampasan ang takot at pagkadismaya. 

Friend,  kung natatakot ka ngayon o nadidismaya, pwede mong isulat ito sa iyong journal o notebook. Ikuwento mo ang lahat sa Kanya. Sa huli, dasalin natin ito: “Lord, nakakatakot ang pinagdadaanan ko ngayon, pero tumatayo ako sa pangako mong mapapasaakin ka kahit saan ako paroroon. Tulungan mo akong magpakatatag at magpakatapang, at tulungan Mo akong hindi matakot o manghina. Salamat, Jesus. In Jesus’ name, amen.” 

Tandaan mo, Friend, isa kang miracle! 

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.