• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • MM Burmese
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu

Friend, where do you see yourself five years from now? May mga pangarap ka ba sa buhay? Kung meron, maganda! Kung wala kang maisip sa ngayon, OK lang. Alam naming may iba sa ating nahihirapang isipin ang hinaharap, dahil baka hindi lang natin nakagawian, o kaya nasanay tayong walang tumutulong o nagbibigay-gabay sa patutunguhan natin. 

Pero alam mo bang maganda ang plano ni Lord para sa iyo? Let’s read this promise of His from the Bible: 

Alam ko kung paano ko tutuparin ang mga plano ko para sa kabutihan nʼyo at hindi sa kasamaan nʼyo, at plano para bigyan kayo ng pag-asa na magkaroon kayo ng mabuting kinabukasan. (Jeremias 29:11 ASND

Ang verse na ito ay ipinangako ni Lord sa mga Israeli sa isang pinakamahirap na panahon sa kanilang buhay: alam ni Lord at pinapaalam Niya sa kanila through the prophet Jeremiah, that their enemies will capture them, at maninirahan sila sa lupang banyaga ng pitumpu’t taon. Pero matapos ang panahong iyon, tutulungan sila ni Lord na makatakas at bumalik sa kanilang bansa. 

Can you imagine how hard it must have been for them? Mas madali kayang mawalan ng pag-asa sa mga panahong iyon, di ba? 

Pero dahil may pangako si Lord na bibigyan sila ng mabuting kinabukasan, maaari din tayong magkaroon ng pag-asa ng mabuting hinaharap sa buhay natin. 

Read this aloud, Friend, at kung gusto mo, pwede mo rin itong sabihin aloud everyday: The Lord is the same yesterday, today, and forever, at siguradong gagawin Niya ang lahat para bigyan ako ng magandang future. 

Kaya magrelax ka, Friend. Ang kinabukasan mo ay nasa kamay Niya. Tandaan mo, isa kang miracle! 

Isa kang miracle!

Yen Cabag
Author

Homeschooling mom and author committed to finding beauty and creating beauty.