• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • MG Malagasy
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
Publication date May 22, 2025

Anong bansa ang gusto mong mapuntahan? 🗺️

Publication date May 22, 2025

Friend, nakapunta ka na ba sa ibang bansa? Kung hindi pa, anong bansa ba ang gusto mong mapuntahan? O kung nakapasyal ka na sa ibang bansa, alin dito ang pinakagusto mo?

Masarap mamasyal sa isang bagong lugar, kahit na minsan mahirap kapag iba ang wikang ginagamit doon; challenging but exciting! Noong magtapos ako ng kolehiyo, nagkaroon ako ng oportunidad na mag-aral bilang exchange student sa Singapore. Limang buwan ako doon, kasama ang iba’t-ibang exchange students from other ASEAN countries. Marami akong naging kaibigan doon, pero iba ang closeness na naramdaman namin sa mga kababayan natin. Masaya namang mamasyal sa Singapore, ngunit alam naming pagkatapos ng limang buwan ay uuwi na rin kaming lahat sa aming sari-sariling bansa.

Bakit ko ikinukuwento ito? Iba pala kapag alam mong some place is also your home. Parang ganito din pala tayong mga tagasunod ni Jesus: parang foreigners pala tayo sa mundong ito. Let’s read this aloud: 

Mga minamahal, mga dayuhan kayong nakikitira lang sa mundong ito. Kaya nakikiusap ako sa inyong talikuran na ninyo ang masasamang pagnanasa ng inyong katawan na nakikipaglaban sa inyong espiritu. (1 Pedro 2:11 ASND

Nakikita mo ba, Friend? Mga dayuhan nga pala tayo sa mundong ito. In English translations, the Bible describes us as “strangers” or “foreigners” in this world. Ibig sabihin nito, hindi natin sinusunod ang mga kagawian ng mundo, kundi mananatili tayong iba, mga tagasunod sa pamamaraan at kagawian ng Panginoon. 

Friend, kumuha ng notebook at ballpen. Magsulat ng tatlong bagay na alam mo na kagawian ng daigdig. Halimbawa, ang pagsisinungaling. Sa kanan nito, isulat ang alam mong pamamaraan ng Panginoon. Dasalin mo ito, “Lord, bilang dayuhan sa mundong ito, gusto kong sundin ang pamamaraan Mo. Turuan mo ako. Salamat. Amen.” 

Tandaan mo, Friend, isa kang miracle! 

Isa kang miracle!

Yen Cabag
Author

Homeschooling mom and author committed to finding beauty and creating beauty.