ano ba ang ultimate Christmas wish mo this year? 🎄
Ramdam na ang simoy ng Pasko. Siguradong may mga bagay sa wish list mo—pwedeng bagong gadget, bagong damit, o sapatos. May mga kaibigan kaming ang wish list ngayong Pasko ay climbing shoes for bouldering, at ang isa naman ay gustong makatanggap ng gitara.
This week, we are starting a new series, ‘Good Gifts This Christmas,’ as we contemplate the wonderful things God has done for us this Christmas.
Unang-una, tingnan natin ang pinakamahalagang dahilan kung bakit ipinanganak si Jesus. May nagugustuhan kaming linya sa Christmas carol na Silent Night, and it goes like this:
Silent night, holy night! Son of God love's pure light.
Kuhang-kuha nito ang dahilan kung bakit ipinanganak si Jesus. Wow, love’s pure light daw si Jesus. Ang ganda, ‘di ba? And it’s the truth. Let’s read what the Bible says:
Ganito kamahal ng Diyos ang sanlibutan: Ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumasampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan (Juan 3:16 ASD)
Nakikita mo ba? Ito ang isang regalo ng Panginoon sa atin noong unang Pasko, at sa bawat Pasko na dumating at darating pa: ang Kanyang pagmamahal. Dahil dito, ipinadala Niya si Jesus bilang sanggol na lalaki upang maging Savior of the world, the One in whom we can believe, upang hindi tayo mamatay kundi mabigyan Niya tayo ng buhay na walang hanggan.
Isn’t that wonderful? We can pray this together: “Lord, thank You for sending Your Son Jesus to die for my sins. Gusto kong malaman kung gaano Mo ako kamahal at kung paano Mo ito nagawa. Tulungan Mo akong maniwala na mahal na mahal Mo ako.”
Tandaan mo, isa kang miracle!