Ano ba ang ugali ni God?🤔
Friend, if I will ask you, ano sa tingin mo ang ugali ni God, ano kaya ang mga masasabi mo? Noong bata ako, akala ko si God lagi lang nagbabantay na magkasala tayo, at kapag nangyari iyon, nagagalit Siya o nadidismaya. Siguro, nagkaroon ako ng larawang ito dahil sa mga pictures na nakikita ko sa mukha niJesus na parang laging seryoso; hindi naman talagang nakasimangot, pero hindi rin nakangiti, at parang may iniisip na malalim o may nakikitang hindi Niya gusto.
This week, as we study the Bible as a love letter letter from God, may good news kami sa iyo, Friend. Alam mo bang gusto pala ni God na makilala natin Siya at malaman kung ano ang totoong ugali Niya? Basahin natin itong nakasulat sa Psalms:
Ipinahayag niya kay Moises ang kanyang pamamaraan, at inihayag niya sa mamamayan ng Israel ang kanyang mga gawang makapangyarihan. Ang Panginoon ay mahabagin at matulungin, hindi madaling magalit at sagana sa pagmamahal. (Salmo 103:7-8 ASND)
Nakikita mo ba, Friend? Ipinahayag ng Panginoon sa mga Israeli ang kanyang mga gawang makapangyarihan, at ipinakita Niya kay Moses ang Kanyang pamamaraan. It means He wants Moses to see what kind of God He is. And this is also what He wants to happen to us.
Paano Niya inilarawan ang sarili? Ilan ito sa Kanyang piniling paglalarawan ng sarili: mahabagin, matulungin, hindi madaling magalit, at sagana sa pagmamahal.
Friend, kapag natatakot ka sa Kanya, dasalin mo ito na binibigkas nang malakas: “Lord, salamat na mahabagin Ka at matulungin, hindi madaling magalit, at sagana sa pagmamahal.”
Tandaan mo, Friend, isa kang miracle!