• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • MG Malagasy
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UR Urdu
Publication date Peb 9, 2025

Ano ba ang paningin mo sa mahina? 😓

Publication date Peb 9, 2025

Friend, ano ba ang experience mo sa mga underdog, o mga mahina sa grupo? Ikaw ba ay naka-experience ng pambu-bully dahil sa isang kahinaan mo? O do you see someone being bullied na mahina sa anumang grupo, like sa klase, o sa workplace? Malungkot isipin na may mga taong nang-aaway ng mas mahina sa kanila. 

Ang good news, Friend, mahalaga kay Lord ang mga mahina.

Ang Dios na tumatahan sa kanyang banal na templo ang nangangalaga sa mga ulila at tagapagtanggol ng mga biyuda. (Salmo 68:5 ASND

Can you imagine the Lord’s heart na tumitibok para sa mga ulila at mga biyuda? Sa culture ng Israel, sila ang pinakamahina, dahil wala nang mag-aalaga sa kanila. Sa panahong iyon, hindi pa nagtatrabaho ang babae, that’s why it’s a big deal: wala nang tatay o asawa na magbibigay ng kanilang mga pangangailangan.

Gusto rin ni Lord na mahalin natin ang mga mahina sa ating paligid. It’s one of the Bible verses na nag-inspire sa aming mag-asawa to foster and adopt. Isa sa mga examples ng mahina ang mga ulilang bata, pero hindi ibig sabihin na dapat mag-foster or adopt din ang lahat; maaari nating gawin ito sa marami pang ibang paraan. 

Friend, sa buhay mo ngayon, sinu-sino ang mga nakikita mo na mahina sa mata ng tao at maaari mong bigyan ng pagmamahal? Maybe you have a classmate who’s being ignored by others, or an officemate who’s always being misunderstood by others. Ipag-pray mo ngayon kung ano ang isang bagay na pwede mong gawin para makapagbigay ng ngiti sa mga taong ito.

Friend, hindi maliit ang isang bagay na ganun. Isa kang miracle

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.