• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu

Friend, may mga hobbies ka ba ngayon? Ano ang mga ito? Or, if you’re too preoccupied  with life responsibilities na matagal ka nang walang oras mag-pursue ng hobbies, ano ba ang mga hilig mo noong bata ka? 

Bakit namin naitanong ito? Importante ito, Friend, dahil naniniwala kaming alam ni Lord ang mga hilig natin, at mahalaga ito sa Kanya. 

Basahin natin itong nakasulat sa Bible: 

Nakikita nʼyo ako habang akoʼy nagpapahinga o nagtatrabaho.Ang lahat ng ginagawa ko ay nalalaman ninyo. (Salmo 139:3 ASND

Nakikita mo ba, Friend? Ang lahat ng ginagawa mo ay nalalaman ni Lord. Whether you’re working or doing something for recreation, like mga hobby o hilig mo, nakikita ka ni Lord. Ang galing di ba? That means na hindi lang Siya concerned na nananalangin tayo o kumakanta ng worship songs, kundi ang lahat ng ginagawa natin ay nakikita Niya. 

At ano naman ang kinalaman nito sa mga hilig natin? We believe na every person is unique, at ang mga hobbies at passions natin ay may role sa purpose natin sa buhay. For example, kung mahilig ka sa drawing o handicraft, maaaring gamitin ito sa pag-serve sa ibang tao. Kung mahilig kang kumanta o magsulat, same din. Walang bagay na walang halaga kung alam lang natin gamitin ang mga ito sa kabutihan natin at ng ibang tao. 

So ikaw, Friend, ano ang mga hilig mong makikita mong maaaring hindi lang nagpapaligaya sa iyo, kundi maaari ring maging blessing sa iba? Isulat mo ang mga ito sa isang notebook, at ipag-pray nating gamitin ito ni Lord sa pag-spread ng Kingdom Niya. 

Tandaan mo, Friend, isa kang miracle! 

Isa kang miracle!

Yen Cabag
Author

Homeschooling mom and author committed to finding beauty and creating beauty.