• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • MM Burmese
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Dis 2, 2024

Ano ba ang favorite fairy tale mo? 👸

Publication date Dis 2, 2024

May favorite story or fairy tale ka ba noong bata ka pa? Ano ito? Sino’ng character ang pinaka-memorable sa iyo?

For me (Yen), favorite story ko ang Mulan. Naka-relate ako sa experience ni Mulan na hindi niya pwedeng ilabas ang totoo niyang personality dahil may ibang expectation ang Chinese family niya. Si Mark naman, favorite niya ang Chronicles of Narnia. Yes, napanood namin ang movie, pero memorable ang experience niya noong una niyang nabasa ang book na ito—noong adult na siya at may mga anak na kami! 

Bakit namin naitanong ito? Alam mo ba powerful pala ang effect ng stories sa atin? More than sa mga tips, advice, at mga informational articles, mas nag-i-stick pala sa minds and hearts natin ang mga stories na ating nababasa, napapanood, or naririnig. In fact, naaalala ko pa until now ang mga kuwento ng kasambahay namin about sa mga adventures nila sa bukid—minsan, iniisip ko baka dahil doon kaya mas gusto kong manirahan sa bukid ngayon.

Sabi ng mga Bible teachers, ito ang reason kung bakit known si Jesus sa pagkukuwento ng mga parables. Ang mga parables ay, in simplest terms, short stories na may pinapakitang katotohanan.

For example, isa sa mga famous parables Niya ang tungkol sa magsasaka. Pinakita Niya dito na ang Word of God ay tulad daw ng magsasaka na nagtatanim ng binhi; may mga times na magiging fruitful ang seed, mayroon ding hindi, depende kung saan ito napunta: sa thorny ground ba na na-choke ang seedlings, or sa good soil kung saan pwede itong mag-grow at maging fruitful? (Matthew 13:18-23 ASND

(Panoorin ito sa The Chosen, Season 3, Episode 8: Sustenance, mula 24:52 - 26:26) 

Friend, ikaw ba, anong klaseng soil ba ang gusto mo sa heart mo? Tandaan mo, isa kang miracle! 

Isa kang miracle!

Yen Cabag
Author

Homeschooling mom and author committed to finding beauty and creating beauty.