• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • MG Malagasy
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
Publication date May 18, 2025

Ano ang pangako Niya sa sitwasyon mo? 🤩

Publication date May 18, 2025

Narito tayo ngayon sa huling araw ng series nating “Transformation,” at pag-usapan natin ang fourth step in dealing with crisis in a healthy way. 

Napag-usapan na natin na mahalaga ang unang hakbang— ang pagkilala at pagbibigay ng pangalan sa kung anumang kahirapan ang pinagdadaanan natin. Pangalawa, ang pagtanggap ng mga damdamin natin related to the crisis. Pangatlo, ang pagbibigay ng ating mga damdamin sa Panginoon. At ngayong araw, ang pang-apat— ang pagtitiwala sa pangako Niya. 

Friend, alam mo bang maraming mga pangako ang ibinibigay ng Panginoon sa Bibliya? The challenge right now is to find a promise that speaks to your specific situation. Gusto ka naming bigyan ng ilang mga halimbawa ng mga promises ni Lord sa Bible, at sana nama’y meron ditong makapagbigay ng lakas sa kinakailangan mo ngayon. Narito ang tatlo: 

Huwag kang mangamba dahil ako ang Dios mo. Palalakasin kita at tutulungan. Iingatan kita sa pamamagitan ng aking kapangyarihan na siya ring makapagliligtas sa iyo. (Isaias 41:10 ASND

Sinabi ko sa inyo ang mga bagay na ito para magkaroon kayo ng kapayapaan sa akin. Daranas kayo ng paghihirap dito sa mundo, pero magpakatatag kayo dahil nagtagumpay na ako laban sa kapangyarihan ng mundo. (Juan 16:33 ASND

At nagagalak din tayo kahit na dumaranas tayo ng mga paghihirap, dahil natututo tayong magtiis. Alam natin na ang pagtitiis ay nagpapabuti sa ating pagkatao. At kung mabuti ang ating pagkatao, may pag-asa tayo na makakabahagi tayo sa kadakilaan ng Dios. At hindi tayo mabibigo sa ating pag-asa dahil ipinadama ng Dios sa atin ang kanyang pagmamahal sa pamamagitan ng Banal na Espiritu na ibinigay niya sa atin. (Roma 5:3-5 ASND

Friend, pumili ng isa sa mga ito at bigkasin mo tuwing umaga. Isa itong paraan upang mailagay mo ang tiwala sa pangako ng Panginoon sa iyo. 

Tandaan mo, Friend, isa kang miracle! 

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.