• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • MM Burmese
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Dis 3, 2024

Ano ang gusto mong gawin sa life mo?👨‍⚕️

Publication date Dis 3, 2024

Kung hindi issue ang pera, ano ba ang gusto mong gawin sa buhay mo? Ang current job mo ba ang nakikita mong pinakagusto mong gawin? A lot of the time, marami sa atin ang na-stuck lang in something because we feel na wala na tayong choice. 

Pero sa totoo lang, hindi pala ang career or money ang nagde-determine ng worth natin. Kahit sa Bible, hindi si Jesus pumili ng specific trade lang para maging disciples Niya. Iba-iba din ang kanilang mga trabaho. May fisherman, may tax collector, may kung anu-ano pa. 

Pero nakakatuwang tingnan na kahit ano ang kanilang background, Jesus accepted them bilang mga kasama. Nakikita mo ba, Friend? Kahit ano pala ang ating station in life, pwede tayong sumama kay Jesus! 

At higit pa dito, sa Matthew 10:1, makikita nating binigyan Niya rin sila ng power din over sicknesses and demons! So, hindi lang si Jesus ang nakakagawa ng miracle; pati mga disciples Niya, binigyan Niya din ng ganitong authority! 

(Panoorin ito sa The Chosen Season 3 Episode 2: Two By Two, mula 37:40 - 39:08) 

Friend, ikaw ba, nagku-question ka din ba kung magagamit ka ni Jesus? Kung titingnan natin itong passage sa Bible, na-e-encourage ako, dahil alam kong ang mga kasamahan Niya’y mga taong tulad din nating may mga weaknesses. So, kaya Niyang gamitin ang mga katulad natin! 

Ito ang challenge ko sa iyo today, Friend. Naranasan mo na bang i-offer ang life mo kay Jesus? Baka gusto mong ipag-pray ito with me, “Jesus, thank You na mahal mo ako at binigay Mo ang buhay Mo for me. I want to live my life for You. Turuan mo ako.” 

Tandaan mo ito, Friend, isa kang miracle! 

Isa kang miracle!

Yen Cabag
Author

Homeschooling mom and author committed to finding beauty and creating beauty.