Angry with God, ? 😡 Here’s why it’s 100% okay.

Ang magalit kay Lord? Parang ang hirap naman ‘non. Nangyari na ba sa’yo ‘yon? Baka minsan, you’re not even aware that you’re already angry with Him. Let me tell you some clues: biglang naapektuhan ang prayer life mo, di ka na masyadong nagbabasa ng Bible, o kaya parang umiiwas ka na sa mga friends mo na close kay God. Madalas, nangyayari ‘to kapag nasa sitwasyon ka na parang wala ka nang magawa — na Sya na lang sana ang last resort mopero wala Siyang ginawa.
Sa Bible, may isang lalaking ang pangalan ay Job. Kilala siya bilang isang matuwid na tao — “walang kapintasan ang buhay” (Job 1:1 ASD), “malinis ang pamumuhay, may takot sa Panginoon, at umiiwas sa kasamaan” (Job 1:8 ASD). Pero dumaan siya sa matinding pagsubok — una, nawala ang lahat ng kanyang kayamanan. At ang pinakamasakit sa lahat: namatay ang lahat ng kanyang mga anak.
At ano ang nangyari? Sa simula, kinaya pa ni Job na magpuri sa Panginoon. But after everything fell apart even more, ito ang nangyari: isinumpa niya ang araw ng kanyang kapanganakan. Sinabi niyang sana'y namatay na lang siya imbes na ipinanganak (Job 3:3–19 ASD). Paulit-ulit din siyang nagtatanong: “Bakit pa nabubuhay ang mga taong nagtitiis at nagdurusa?” (Job 3:20–26 ASD)
Pero hindi nagulat si Lord sa mga sinabi ni Job. Throughout the book, we saw some of Job’s friends trying to reason with him, and eventually, God Himself answered Job and restored his faith in God.
Nakikita mo ba? Hindi weakness magalit kay Lord. Kapag dinala natin sa Kanya ang galit na ito, matutulungan Niya tayo. Try this, and know that He won’t turn away from you.
Tandaan mo, isa kang miracle!

