ang passion mo… pwede mong ialay sa Kanya?
Noong bata pa tayo, laging tanong: “Anong gusto mo maging paglaki mo?” Tama, ‘di ba? Madalas nakakatawa o nakakatuwa ang mga sagot natin—mula sa astronaut, superhero, hanggang sa professional unicorn trainer.
Noong kabataan namin, hindi pa very common ang pagbigyan ang mga hilig ng anak, especially when it comes to choosing a college course. Marami sa mga kaklase namin ang napilitang kumuha ng kursong gusto ng kanilang mga magulang, dahil iyon ang mga posibleng malaki ang kikitain. Most of the time, interests in fields like the arts were ignored, dahil nga walang pera doon. The funny thing is, these days—twenty or thirty years later—there are now many more opportunities in areas like writing and art, including web development, web design, and digital marketing.
Sa totoo lang, ang iba’t ibang interests natin (as long as they’re not inherently sinful) ay galing talaga kay Lord. Isa Siyang malikhaing Panginoon. At noong nilikha Niya ang sangkatauhan, hindi Niya piniling gumawa ng iisang anyo lamang. This is the reason why, in the way He leads His people, He has different people performing different roles. For example, sa panahon ni Moses, siya ang pinili Niyang maging pinuno, pero si Aaron ang tagapagsalita. At sina Bezalel at Oholiab naman ang tinawag Niyang gumawa ng Tabernacle Niya.
Pinuspos ko siya ng aking Espiritu at binigyan ng kakayahan, kahusayan at katalinuhan sa anumang gawain: sa paggawa ng magagandang bagay na ginto, pilak at tanso, sa paghuhugis ng mamahaling mga bato, sa paglililok ng kahoy at lahat ng klase na gawang kamay. (Exodus 31:3-5 ASD)
Nakikita mo ba? Ang mga hilig mong gawin, hindi pagkakamali. Pwede mo itong gamitin para kay Lord. Ano kaya sa mga kakayahan mo ang pwede mong ialay sa Kanya?
Tandaan mo, isa kang miracle!