• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Ago 3, 2025

Ang galing ni Jesus! 😄

Publication date Ago 3, 2025

 Friend, anu-ano ba ang mga bagay na iyong basehan para masabing magaling ang isang tao? Sa kanilang mga talento ba —gaya ng pagkanta o pagsayaw? O sa kakayahan nilang lumikha ng mga bagay-bagay, tulad ng woodwork, or baking, or cooking? 

Ipagpatuloy natin ngayon ang ating series, “Ang Galing ni Jesus,” na nakatingin sa mga paglalarawan kay Jesus sa Book of Revelation, which is the last book of the Bible. Let’s read this verse aloud: 

“Ito ang mensahe ng may hawak ng espadang matalas at may magkabilang talim.(Pahayag 2:12 ASD

Aba, ano kayang paglalarawan ito —na si Jesus daw ay may hawak na espada? This reference to a double-edged sword can be seen in Hebrews, another book of the Bible. Basahin natin ito:

Sapagkat buhay at mabisa ang salita ng Diyos, at higit na matalas kaysa sa alinmang espadang magkabila ang talim. Tumatagos ito hanggang kaluluwaʼt espiritu, at hanggang sa kasu-kasuan at kaloob-looban ng buto. Nalalaman nito ang pinakamalalim na iniisip at hinahangad ng tao. (Hebreo 4:12 ASD)

Ayun, ang espada pala ay ginamit ding paglalarawan ng salita ng Diyos. Ginagamit Niya ito upang malaman ang pinakamalalim na iniisip at hinahangad natin. Kaya ang paglalarawan kay Jesus bilang may hawak ng espadang ito ay nagpapakita kung gaano kalalim ang nakikita Niya sa ating kaibuturan.

Friend, ano ba ang mga nasa pinakamalalim na bahagi ng puso mo? Nakikita ito ni Jesus, at kaya Niyang himayin ang mga bahagi nito upang makita kung ano talaga ang nasa loob mo. 

Pwede mong dasalin ito, “Lord, Ikaw ang may hawak ng paraan upang makita ang lahat ng nasa kalooban ko. Ipakita Mo sa akin ang mga bagay na nagpapaligaya sa Iyo at ang mga bagay na gusto Mong baguhin.” 

Tandaan mo, Friend, isa kang miracle! 

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.