Am I Enough?
May nagsabi na ba sa’yo, “Hindi ka enough”? Ang sakit, ’di ba?
Maybe it was a teacher who compared you to someone else. A parent who expected more. A classmate who made you feel small. Or maybe, over time, those words became your own voice—the one telling you, “Hindi ako magaling. Hindi ko kaya. I don’t measure up.”
In our country, many families and schools value achievements. At sa tindi ng comparison at competition, madaling isipin na kapag hindi tayo magaling, may kulang sa atin.
Kung may mga masasakit kang pinagdaanan sa paaralan, hindi ka nag-iisa. Nakakalungkot na minsan, mas madaling marinig ng students ang “may kulang sa’yo,” “hindi ka ganoon katalino,” “bobo ka,” o “hindi mo ’to kaya” kaysa sa tunay na encouragement at affirmation.
Pero alam mo ba, iba ang sinasabi ng Panginoon tungkol sa’yo. At higit sa lahat ng voices na narinig mo, His is the voice you need to believe. When God looks at your life, He doesn’t say, “Hindi mo kaya.” He reminds you:
“You have the mind of Christ.” (1 Corinthians 2:16) Magaling ka and you are enough! I believe in you. Andami mo nang pinagdaanan. Let’s take the next step together, kasama Mo ako.”
Naririnig mo ba ang boses ng Panginoon sa puso mo? Maybe you’ve believed the wrong voices for so long. Today, let God’s words become louder than the words that made you doubt yourself. Let them lift you up!
So kapag dumating ulit ang thought na “Hindi ako enough,” remind yourself:
“Kayang-kaya ko ito. Nasa akin ang pag-iisip ni Cristo. Magaling ako, at naniniwala ang Diyos sa akin.”
Then pray:
“Lord, may mga nagsasabi sa akin na I’m not enough. Sabi nila, I don’t measure up. Pero kasama Kita, at sa mga mata Mo, walang kulang sa akin. Salamat, Lord. Amen.”
Tandaan mo, isa kang miracle!