Always there, always loving, your true friend code.🥰
 
        Hello, kumusta ka na? Quick check- in: May solid friend group ka na ba, or still figuring out where you fit in? Either way, we got you!
Sa aming dalawa ni Mark, siya yung extrovert. Kaya ang laki ng circle of friends niya all throughout high school and college. Ako naman, introvert type—kaya usually one or two friends lang at a time. At sa aming dalawa, si Mark talaga yung mas madalas makaranas ng peer pressure. Gusto kasi niya na laging natutuwa sa kanya yung mga tao, plus, malaki rin talaga ang peer group niya.
Today, in our ongoing series, “Peer Pressure and You,” we’ll dive into more Bible verses about friends and friendship. Sana maging guide mo ito to make wise decisions amid peer pressure.
Let’s read our verses for today:
Ang kaibigan ay nagmamahal sa lahat ng panahon, at nagkakaroon tayo ng kapatid para sa kagipitan ay tumulong. (Kawikaan 17:17 ASD)
Huwag kang makipagkaibigan sa taong madaling magalit, baka mahawa ka sa kanyang pag-uugali at para ka na ring naglagay ng bitag para sa iyong sarili (Kawikaan 22:24-25 ASD)
Nakikita mo ba? Sabi dito, ang totoong kaibigan, mahal ka sa lahat ng panahon. Let me ask you—do you think mamahalin ka pa rin ng mga kaibigan mo ngayon kahit di mo palaging sundin lahat ng gusto nila? Isa itong mahalagang test of friendship, and something we should learn on our road to maturity. Sa pangalawang verse naman, we see the danger of forming close ties with people who may have destructive traits that can negatively influence us.
We pray that you’ll stand strong and secure in who you are in Christ as you navigate your friendships!
Tandaan mo, isa kang miracle!
 
                                                             
        