alam Niya ang pangalan mo…for real!
Noong bata ako, may dalawa akong matalik na kaibigan. Tulad ng ibang bata, nagkaroon ng pag-aaway silang dalawa. At ako, tinulungan ko silang magbati. Pero ang twist ng story: nagka-ayos sila, pero nagalit sila pareho sa akin, ayaw nila akong kausapin. Umuwi ako na ang bigat ng feeling, umiyak ako habang nasa kama. At yun ang pinakaunang beses na kinausap ko si Lord. And for the first time, I experienced His comfort.
Kung alam mo na isang personal God pala ang Panginoon, paano kaya ito makakaapekto sa buhay mo? Katulad nito, let’s read the following passage from the Bible:
…ito ngayon ang sinasabi ng Panginoong lumikha sa iyo, O Israel:“Huwag kang matakot dahil ililigtas kita.Tinawag kita sa iyong pangalan, at ikaw ay akin.Kapag dumaan ka sa tubig, akoʼy kasama mo.Kapag tatawid ka sa mga ilog, hindi ka malulunod.Kapag dumaan ka sa apoy, hindi ka masusunog;at sa ningas nitoʼy hindi ka magliliyab.Sapagkat ako ang Panginoon mong Diyos,ang Banal na Diyos ng Israel,na iyong Tagapagligtas.(Isaias 43:1-3 ASD)
May kinatatakutan ka ba ngayon? Makakatulong ba sa iyo ang malamang may Panginoon kang gustong iligtas ka? That you belong to Him? Na kahit ano pa ang pagdadaanan mo, kasama mo Siya?
Pwede mong gamitin ang Bible passage na ito bilang panalangin. Try it, you’ll see that it can help you feel closer to Him. Pwede mo itong umpisahan nang ganito, “Lord, salamat at Ikaw ang lumikha sa akin. Hindi ko kailangang matakot dahil pangako Mong iiligtas ako. Tinatawag mo ako sa pangalan ko…” Isa-isahin ang mga verses at gamitin mo ito bilang panalangin. Then tell us how it goes!
Tandaan mo, isa kang miracle!