Alam Mo Na Ba? May Espesyal Siyang Inihahanda…Para sa’yo?🥳
Homeschooled ang aming mga anak, and we follow the teachings of Charlotte Mason, an educator-reformer. One of the principles she teaches is the idea of a “thinking love”—basically, love that thinks ahead, ang pagmamahal ng isang magulang sa anak na iniisip ang kabutihan nito sa buong buhay. So, ang pag-aalaga pala ay hindi lang para sa kasalukuyan.
We believe that’s also a beautiful picture of how God takes care of us. Hindi lang Niya iniisip ang pangkasalukuyan, kundi pati ang hinaharap natin. Kaya ngayon, basahin natin ang pangako ito ni Jesus na nakasulat sa Bible:
Sa tahanan ng aking Ama ay maraming silid. Pupunta ako roon upang ipaghanda kayo ng lugar. Hindi ko ito sasabihin kung hindi ito totoo. Kapag naroon na ako at naipaghanda na kayo ng lugar, babalik ako at isasama kayo upang kung nasaan ako ay naroon din kayo (Juan 14:2-3 ASD)
Nakikita mo ba? Napakalawak ng pag-aalaga Niya sa atin, mula pa noon iniisip na Niya ang ating hinaharap, at hindi lang sa buhay na ito, kundi pati sa buhay na walang hanggan. Inihahanda Niya ang ating magiging tahanan doon, at maaari tayong manalig na alam Niya ang Kanyang ginagawa.
Baka bagong ideya ito para sa iyo? OK lang yan, pwede nating dasalin ito, ‘Lord, hindi ko alam kung paano Ka naghahanda ng lugar para sa akin, pero turuan Mo ako. Make this real to me, Lord, ang pangako Mong babalik Ka at isasama ako magpakailanman. Salamat. In Jesus’ name, Amen.”
Tandaan mo, isa kang miracle!