Alam mo bang pwede mong ma-enjoy si God sa nature? ⛰️🌳

Isa ka ba sa napakarami ngayon na nagsa-struggle sa mental health? According sa research, karamihan nito ay dala ng sobrang busy schedules, especially sa 24/7 connection ng mga gadgets natin sa Internet.
Sa amin ni Mark, may times din na parang punung-puno na ang aming brains dahil sa walang-sawang pagpa-pop-up ng mga messages. Nagiging mahirap mag-concentrate sa trabaho! At sa dami-daming nakikita sa Facebook ng family and friends, affected na rin tayo sa whatever struggles that are stressing them. What’s more, kapag nasa ganoong state na tayo, kahit na tumahimik na lang at mag-pray ay napakahirap ding gawin.
Pero may good news! Kahit dati pa pala, may paraan din para mag-relax ang mga isip natin, at isa dito ang pag-eenjoy sa creation ni God. Sabi nga sa Bible, “Ang kalangitan ay nagpapahayag ng kaluwalhatian ng Dios; at ipinakikilala ng kalawakan ang gawa ng kaniyang kamay.” (Mga Awit 19:1 TLAB)
Friend, kelan ka ba last nakapag-enjoy sa nature? Alam mo ba, kahit sa simpleng pag-upo sa gitna ng isang garden or park, mare-refresh din ang soul natin sa presence ni Lord? Sa pagtingin lang sa kalangitan, matitikman natin ang glory ni Lord.
Ganito siguro ang nangyari kay King David, ano? Noong bata pa siya, everytime na inilalabas nya ang mga alaga niyang tupa, ang haba ng time nya sa labas. Malamang lagi siyang nakatingin sa kagandahan ng creation ni God. Kaya siguro andami niyang songs and poems na naisulat tungkol dito.
Eto lang naman ang gusto naming i-encourage sa iyo, Friend. May mahanap ka kayang oras this week na makapag-enjoy sa creation ni God? Puwedeng 10-minute walk lang sa isang park, o di kaya a 15-minute timeslot na mag-drawing ng isang scene sa nature.
O, sya. Sa susunod naman na e-mail. Friend, isa kang miracle!

