Alam mo bang pinili ka Nya?

Na-experience mo na bang ma-reject? Kahit anong sitwasyon nangyari ito, masakit siya. For example, ni-reject tayo ng ating mga friends, or maybe na-overlook sa trabaho, or kaya iniwan tayo ng special someone natin. Maraming nakaranas nito ang nade-depress or nagiging bitter.
Isang struggle ko ang pagiging sensitive sa rejection. Sa aming married life, may times na may lakad si Mark at naiwan ako, na nagfi-feel rejected ako. Buti na lang, napag-usapan namin ang mga ganitong sitwasyon. Pero na-realize din namin na more than sa pag-accept ng asawa, kailangan ko ding malaman na may mas malaking storyline dito.
Anong storyline, kamo? Itong important truth, na pinili at gusto ako ni God. Tulad ng sinabi nya kay Jeremiah, na tinawag Nyang maging spokesperson Nya:
Jeremias, bago kita nilalang sa tiyan ng iyong ina, pinili na kita. At bago ka isinilang, hinirang na kita para maging propeta sa mga bansa. (Jeremias 1:5 ASND)
Sa example ng buhay ni Jeremiah, makikita nating ito pala ang way ni Lord. Bago pa tayo isinilang, pinili na Nya tayo. We’re chosen, therefore we’re beloved.
Friend, do you see that? Kahit ano’ng nangyayari sa buhay mo ngayon, know this: pinili ka ni Lord, kaya sure na sure kang mahal ka Nya.
Ito ang challenge namin sa iyo today: in what ways do you feel rejected? Sa school, work, o relationships ba? Dalhin mo ang feeling na ito kay Lord. Gusto Nyang makinig sa iyo. And then, ask mo Sya kung ano ang tingin Nya sa iyo. Can you believe na pinili ka Nya at hindi siya nagkakamali?
Sige, Friend, until sa next email! Tandaan mo, isa kang miracle!

